Watch The Millionaire's Wife May 27 2016 full episode replay
Episode 57 Aalis sina ALFREDO (Robert Arevlao) at LOUISA (Andrea Torres) sa Mansion at titira muna sa isang rest house. Magsasama sila ng mga katulong, isa na rito si DELIA (Luz Fernandez) na uutusan ni STELLA (Jacklyn Jose) na magbantay kina Louisa at Alfredo. Malulungkot naman si IVAN (Mike Tan) dahil ibabalik na nila si Ronron kay Louisa. Magkakaroon ng pagkakataon sina Ivan at Alfredo na mag-usap tungkol kina Louisa at Ronron. Aaminin ni Alfredo ang pagkakamali niya at pagsasabihan din niya si Ivan na ayusin ang buhay para sa mag-ina niya. Maalarma naman si Stella dahil malalaman niyang kinausap ni Alfredo ang abogado niya. Matatakot siya na baka tanggalan na siya nito ng mana.
Saka niya matutuklasan na nag-usap sina Mark at Alfredo. Makakarating ito kay Allison at magiging malinaw kay Allison na si Mark ang luminis ng pangalan ni Louisa. Lalong maiinis si Allison. Samantala, maiisipan ulit ni Jared na gawan ng masama si Louisa. Palihim na pupunta si Jared sa resthouse at tanging si Delia ang makakakita sa kanya. Sasaksakan niya ng injection ng injection si Louisa. Hindi siya makikita ni Louisa at dahil sa gamot na tinurok sa kanya ay manghihina siya. Pero bago pa maisakatuparan ni Jared ang masamang binabalak niya ay darating si Alfredo na pipigil sa kanya. Dito na magdidilim ang paningin ni Jared at mapapatay niya si Alfredo!