Watch Magkaibang Mundo June 1 2016 full episode replay
Iyak lang ng iyak si Pepay. Susunugin pa ni Noreen ang mga gamit. At pipilitin niya pa si Pepay na magsorry sa kanya. Sa labas niya patutulugin si Pepay at bukas daw ay balik-katulong na ito sa bahay. Natulog nga si Pepay sa damuhan. Malungkot na pagmamasdan siya ni Elfino nang maalimpungatan si Pepay at tinanong si Elfino.
Kinabahan si Elfino pero nakahinga rin ng maluwag nang balik-tulog si Pepay. Sinamahan siyang matulog ni Elfino, kahit pa pinigilan ito ni Bombi. Kinabukasan, binuhusan ni Analyn ng tubig si Pepay para magising ito. Gulat si Pepay dahil may kumot siya, thinking na binigyan siya nina Noreen. Pero dineny ni Analyn, di raw nila yung gagawin kay Pepay. Taka si Pepay pero nagpasalamat kung sino man ang nagbigay sa kanya ng kumot.
Natuwa si Elfino nang marinig iyon, siya pala ang nagdala ng kumot. Mabubuhayan ng loob si Elfino pero nangakong hindi pa rin siya magpapakita kay Pepay. Makikilala ni Elfino si BARANG na hihimukin siyanng maging tao para matulungan si Pepay pero tatanggi si Elfino. Sa mall, nagdeliver ng box-box ng mga sapatos si Pepay. Makikita niya roon si JEFFREY, ang anak ng may-ari ng mall. Maguguwapuhan si Pepay sa kanya at aakalain pang nginitian siya pero di naman. Noreen meets CRISELDA at Jeffrey at pag-uusapan ang pag-renta nila sa mall.