Watch Magkaibang Mundo June 2 2016 full episode replay
Walang magawa si Amanda. Aapihin din nina Analyn at Sophie si Princess, ikukulong siya sa cabinet nito nang ayaw pumayag ni Princess na kunin ng dalawa ang kuwarto niya. Gagantihan sila ni Elfino by sending bees na kakagat sa magkapatid. Malalaman ni Noreen ang nangyari at pagagalitan sana si Princess pero agad itong makakatakbo sa kwarto ng mag-ina. Mag-aaway sina Noreen at Amanda. Galit si Amanda dahil pinalayas ni Noreen ang mga maids at sa gagawin sana nito kay Princess. Matinding confrontation ito sa dalawa. Mao-overpower ni Noreen si Amanda at kakaladkarin nya ang mag-ina palabas. Kita itong lahat ni Elfino. Gusto niyang tulungan ang kaibigan pero wala siyang magagawa.
Magmamakaawa pa si Amanda kay Noreen pero pagsasarhan na niya ng gate ang dalawa. Pinalayas ni Noreen sina Amanda at Princess. Tuwang-tuwa ang pamilya niya pero dahil sa galit, magma-magic si Elfino para bumagsak ang portrait ni Ruben. Aakalain nilang nagmumulto ito sa ginawa sa mag-ina niya pero balewala iyong kay Noreen. Magpapalaboy naman sa kalye sina Amanda at Princess – aabutan ng ulan, mangangalkal ng basura at matutulog sa kariton.