Watch The Millionaire's Wife June 16 2016 Ep. 70 full episode replay
Episode 70 Kikilos din si Ivan para tulungan si Louisa. Babalik siya sa pinangyarihan ng krimen at maghahanap ng mga CCTV camera malapit sa lugar. Sa isang gasoline station, makikita ni Ivan si Jared sa CCTV Footage. Papatakasin naman ni Stella si Jared, kaso darating na ang mga pulis at mahuhuli na nila si Jared! Matutuwa ng husto si LOUISA (Andrea Torres) nang ibalita ni MARK (James Blanco) sa kanya na naaresto na si JARED (Sid Lucero). Saka ipapaalam ni IVAN (Mike Tan) kay Louisa na na may ebidensya siyang nakuha laban kay Jared. Malakas ang kutob ni Louisa na mapapatunayan na nilang si Jared nga ang pumatay kay Alfredo. Pupuntahan ni Louisa si Jared sa presinto at labis siyang nagsisi dahil pinatawad pa niya noon si Jared. Kung hindi niya ‘yun ginawa sana buhay pa si Alfredo.