Watch The Millionaire's Wife June 22 2016 Ep. 74 full episode replay
Episode 74Sina ESME (Gilleth Sandico) at SHIELA (Jhoana Marie Tan) naman ang mag-aalaga kay Ronron at mahuhuli sila ni Ivan na sinasaktan ang anak! Ipagtatanggol din ni Ivan si Elaine kay Jared. Mapagdedesisyonan ngayon ni Elaine na tumestigo laban kay Jared. Mapapaaway naman si Louisa sa kulungan. Pero matutuwa siya sa balitang tumestigo si Elaine para sa kanya. Sa galit ni Jared, susugurin niya si Elaine. Kaso si Ivan ang makakaharap niya. Magsasapakan ang dalawa, pero mapupuruhan ni Ivan si Jared. Hindi titigilan si Louisa ng ibang preso. Papahirapan pa rin nila si Louisa, pero makakakilala ito ng bagong kaibigan. Aakalain ni Louisa na makakalabas na siya sa kulungan dahil sa testimonya ni Elaine, pero hindi ito makakatulong sa kanya dahil malalaman ng korte na drug pusher si Elaine. Iko-confront naman ni Allison si Jared. Makikiusap si DELIA (Luz Fernandez) kay STELLA (Jaclyn Jose) na hayaan na siyang makasama ang pamilya niya, pero hindi papayag si Stella. Saka aaminin ni Delia kay Allison na si Jared ang totoong pumatay kay Alfredo.