Watch The Millionaire's Wife June 7 2016 Ep. 63 full episode replay
Episode 63 Magagalit nang husto sina ALLISON (Ina Raymundo) at STELLA (Jaclyn Jose) kay LOUISA(Andrea Torres) dahil napunta lahat sa kanya ang kayamanan ni ALFREDO (Robert Arevalo). Imbes na ikatuwa ay lalong malulungkot lang si Louisa dahil alam niyang hindi siya patatahimikin nina Allison at Stella. Matutuwa naman si JARED (Sid Lucero) dahil makakatulong ‘yun para lalong madiin si Louisa sa pagkamatay ni Alfredo. Magkaiba naman ang opiniyon nina MARK (James Blanco) at IVAN (Mike Tan) sa kung anong dapat gawin ni Louisa.
Magtatalo ulit sina Ivan at RIO (Rich Asuncion) dahil kay Louisa. Saka hihilingin ni Ivan na maging magkaibigan na lang ulit silang dalawa. Masasaktan ng husto si Rio sa paghihiwalay nila. Malalaman ni Louisa na may taning na pala si Alfredo at hindi niya ito ipinaalam sa kanya. Malulungkot lalo si Louisa. Lilipat silang mag-ina sa bahay na iniwan sa kanila ni Alfredo. Gagawin naman lahat nina Stella, Jared at Allison para makulong si Louisa at mabawi ang lahat ng yaman nila.
Magugulat na lang si Louisa nang bigla silang sugurin ni Stella kasama ang mga pulis na may hawak na warrant of arrest para sa kanya. Dadamputin ng mga pulis si Louisa, saka ikukulong.